Paano maging Presentable na Guro?
iprinisenta ng grupo nina:
Danelle Cortes
Rie Yen Gamboa
Hanna Lopez
Coleen Anniversario
Clarenz Penequito
flow ng presentasyon:
1; Iprinisenta ang tema kung paano maging presentable na guro, Maikling pagpapaliwanag tungkol sa pag-gamit ng make-up, tamang postura at tamang pananamit.
2. Ipinakilala ang nakapanayam na guro na magpapaliwanag ng mas malalalim na kahalagahan ng pagiging presentable sa harap ng klase.
Ekspertong nakapanayam: Bb. Katrina San Jose, Guro sa Escuela La Madrid of Cavite, Mabolo, Bacoor. Pinamumunuan ang Departamento ng Filipino sa Highschool department.
3. Pagpepresenta ng VIDEO ng interview.
TRANSCRIPT (non verbatim)
-
ISANG
PANAYAM KAY BBG. KATRINA SAN JOSE, ISANG GURO NG FILIPINO SA ESCUELA LA MADRID OF CAVITE, NAGTAPOS
NG KURSONG BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION SA BERNARDO COLLEGE, LAS PINAS
CITY.
1. ANO ANG KAHALAGAHAN NG TAMANG
POSTURA, PAGLAGAY NG MAKE-UP AT NG MAAYOS NA PANANAMIT SA PAGHARAP SA KLASE
BILANG ISANG GURO?
- Dapat maganda ang tindig sa harapan
lalo na kapag nagtuturo ka na, kinakailangan na maglagay ng make-up sa mukha
para maayos kang tignan ng mga estudyante, sa pananamit ay mas maganda kung
presentable at maayos sa paningin ng estudyante, dahil kapag ikaw ay nakatayo
sa unahan, lahat sila ay nakatingin sa iyo; mas maganda sa paningin nila at mas
naeengganyo silang making sayo dahil sa presentable at karespe-respetong tignan
ang pananamit mo.
2. ANO-ANO ANG PARAAN NG PAG-AAYOS NA
INYONG GINAGAWA UPANG MAGING HANDA SA PAGTUTURO SA KLASE?
-Sa pananamit, sinisiguro ko na
naka-uniform ako ng school from Monday to thursday, at pag friday naka school-prescribed t-shirt ako o di kaya
ay polo shirt. Sa polo shirt, sinisiguro ko na nakasara ang mga butones upang
hindi masilipan. Sa tamang paglalagay naman ng make-up sa mukha, hindi dapat
sobrang kapal, konting lipstick at powder ay sasapat na. Sumunod ay dapat
pag-aralan ang mga paksa na ituturo sa klase, upang masagot ang katanungan ng
mga mag-aaral. Hindi dapat binabasa lang basta-basta, kinakailangan na
magsearch ka din, lalo na ang mga kabataan ngayon ay mahilig na sa internet.
Kinakailangan na maki-IN ka sa kanila.
3. ANO-ANO ANG EPEKTO NG MGA TAMANG
PAG-AAYOS NG SARILI, NA INYONG ISINASAGAWA PARA SA INYONG MGA ESTUDYANTE?
-Siyempre, nadadagdagan ang iyong
self-confidence sa pagtuturo sa kanila, kapag alam mo kasi na presentable ka,
at alam mo kung ano ang ituturo mo, magkakaroon ka ng lakas ng loob, at hindi
ka mag-aalangan na magturo sa kanila kasi alam mong presentable ka. Pangalawa,
makukuha mo ang kanilang respeto, sa pananamit at pag-aayos ng sarili.
Pangatlo, ang kredibilidad bilang isang guro ay hindi nawawala, dahil hindi
lamang sa itsura nagbabase ang katangian ng isang guro, dapat lahat ng
binibitawang salita ay pawing katotohanan.
MAIKLING PANGWAKAS NA PANANALITA:
Mga “Edukados”
ng La Salle, maipapayo ko lang sa inyo na wag ninyong isipin na kayo ay
mga mag-aaral pa. Isipin ninyo na ngayon palang ay isa na kayong ganap na guro,
dahil napakalaki ng gagampanan ninyo sa buhay ng bawat bata na makakasalamuha
ninyo. Isa kayo sa huhubog ng kanilang pagkatao.
4. Ipinaliwanag sa pangalawang beses ang buod ng kahalagahan ng tamang pag-aayos, at ini-demo ang pag-aaply ng light make up sa mukhan, at ipinakita rin ang pananamit na schoo; uniform ng isang guro.
5. Ibinuod at nagpahayag ng maikling pananalita, pagpapasalamat at pangwakas sa aming ipresentasyon tungkol sa pagiging presentable ng isang guro.
